Mga Hiligaynon

Ang mga Hiligaynon, na madalas na tinutukoy bilang mga Ilonggo, o mga taga-Panay, ay isang pangkat na etniko ng mga Bisaya na ang pangunahing wika ay Hiligaynon, isang wikang Austronesian ng sangay ng wikang Bisaya na katutubo sa Panay, Guimaras, at sa Negros. Sa paglipas ng maraming mga taon, ang mga pagdayong panloob at panlabas ay nag-ambag sa paglipat ng mga Hiligaynon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Ngayon, ang mga Hiligaynon ang bumubuo ng karamihan sa mga lalawigan ng Iloilo, Negros Occidental, Guimaras, Capiz, South Cotabato, Sultan Kudarat, at North Cotabato .


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search